STA. BARBARA, Pangasinan – Mga magsasaka ang makikinabang sa limang milyong kilo ng expired na frozen meat na sisimulan nang isailalim sa proseso bukas para gawing pataba.
Nagkasundo ang Bureau of Customs (BoC) at ang iba pang kinauukulang ahensiya, kabilang ang National Hog Raisers Federation at Samahang Industiya ng Magsasaka (SINAG) na isailalim sa composting ang nasabing milyun-milyong kilo ng karneng botcha upang magamit bilang pataba, sa halip na gawing feeds.
Sinabi ni Rosendo SO, chairman ng SINAG, na isasailalim sa composting sa sanitary landfill sa Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan ang mga botcha at makalipas ang dalawa hanggang tatlong buwan ay magagamit nang organic fertilizer. (Liezle Basa Iñigo)