CONCEPCION, Tarlac – Tatlong katao ang isinugod sa Concepcion District Hospital matapos masugatan sa aksidenteng banggaan ng isang tricycle at isang motorsiklo sa municipal road ng Barangay Alfonso sa Concepcion, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Eduardo Sapasap, kinilala ang mga biktimang sina Daniel Valena, 34, driver ng tricycle, at residente ng Bgy. Corazon; Alex Bacolod, 26, pasahero ni Valena, ng Bgy. Alfonso; Kenneth Capit, 20, binata, driver ng Honda motorcycle (IC-7413) ng nasabi ring barangay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko