PORT-AU-PRINCE (Reuters) – Labintatlong katao ang namatay sa cholera sa timog kanluran ng Haiti sa kasagsagan ng pananalasa ng Hurricane Matthew, sinabi ng mga opisyal noong Sabado. Nagtungo na ang mga grupo ng pamahalaan sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyo para kumpunihin ang mga treatment center at marating ang sentro ng isang outbreak.
May 900 katao na ang namatay sa bagyo sa Haiti, karamihan ay sa malalayong bayan, ayon sa tally ng Reuters tally mula sa mga bilang na ibinigay ng mga lokal na opisyal.
Itinaas ng central civil protection ng Haiti sa 336 ang opisyal na bilang ng mga namatay. Mas mabagal ang kanilang pagbilang dahilan kailangan pang marating ng mga opisyal ang mga lugar upang makumpirma ang mga namatay.
Sinabi ng gobyerno na magkakaroon ng tatlong araw na pagluluksa.