AFP— Nagbabala ang humanitarian agencies ng “second disaster” sa pagpasok ng taglamig sa North Korea kung saan libu-libong katao ang wala pa ring matitirahan matapos ang matinding baha.
Halos 70,000 mamamayan ang nawalan ng tirahan sa matinding baha sa North Hamgyong province noong Agosto at Setyembre.
Mahigit 130 ang namatay.
Sa joint statement noong Biyernes, nagbabala ang Save the Children at ang UNICEF na magsisimulang mararamdaman ng mga lugar na sinalanta ng baha ang sub-zero temperatures sa katapusan ng Oktubre sa pagpasok ng “long and bitter” winter.
“Thousands of children are suffering and the impending winter will trigger a second disaster if we do not increase assistance for children and families,” sabi ni UNICEF country head sa North Korea na si Oyunsaihan Dendevnorov.
Sinabi ng aid agencies na mahirap lumikom ng pera para sa humanitarian assistance sa North Korea dahil sa pagkondena ng mundo sa nuclear weapons programme nito.