Susubukan ni Grandmaster Eugenio Torre na makatimbog pa ng karangalan bago matapos ang kasalukuyang taon matapos ang matagumpay na kampanya na board three bronze medal-finish sa nakaraang buwan na 42nd Chess Olympiad 2016 sa Baku, Azerbaijan,

Kakatawanin ang bansa ng 64-year-old Ilonggo native at Pinoy greatest woodpusher kasama si GM Rogelio Antonio, Jr. sa 26th World Senior Chess Championships (50+ and 65+ Open-men and women) 2016 sa Marianske Lazne, West Bohemia, Czech Republic sa Nobyembre 18-Disyembre 1.

Ang magdiriwang ng kanyang 65th birthday sa Nobyembre 4 na si Torre ang pambato sa Open-men’s division 65 years-old and over category samantalang si Antonio, 54, at mula sa Calapan City, ang makikipagpigaan ng kukote sa Open-men 50-above.

Walang pambato ang National Chess Federation of the Philippines sa dalawang kategorya para sa kababaihan ng 11-round Swiss system tournament na gaganapin sa tatlong mgkakalapit na hotels sa nasabing spa town.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“May lawn tennis, walkathon, listening to music, prayer time at bonding kami mag-asawa lagi ang regimen ko kaya kundisyon pa rin lagi. Syempre nariyan pa rin ang pagbabasa ng chess books, computer games at actual games bilang routine. Higit sa lahat hindi pa rin nawawala ang love and passion ko sa sport,” ani Torre sa patuloy na pagiging competitive player sa kabila ng edad nito.

May outright GM title para sa mga players na wala nang nasabing titulo bukod pa sa trophy, gold at cash prizes para sa 50+ at 65+ sa men’s champions. Sa second-third ay International Master titles sa dalawa ring kategorya kasama ang silver at bronze medals at ang cash prize na hanggang Top 14.

Automatic Woman GM at WIM bukod pa sa trophy sa champion kasama ang medals para sa top three finishers at cash prizes ang nakataya sa dalawang age group sa women’s division ng kumpetisyon. (Angie Oredo)