Ang sambayanan ang mananagot sa mga aksyon ni Pangulong Rodrigo Duter te, ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto.

“’Yung hindi magandang salita ng Pangulo, lahat tayo magbabayad diyan. We will all pay the price for this” ani Recto.

Aniya, patunay diyan ang patuloy na pagbulusok ng piso na pwedeng umabot ang palitan hanggang P50.00 kontra dolyar, dahil na rin sa walang tiyak na polisiya ang pamahalaan.

Sinabi ni Recto na “sa tingin ko, mali ‘yun, at sino ang magbabayad niyan? Tao rin ang magbabayad niyan. He’s speaking for all Filipinos.” (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'