Ayaw ihayag ni San Beda coach Jamike Jarin ang kanilang naging sekreto sa pagwawagi sa Game One kung saan kanilang binigo sa ikaapat nilang paghaharap ngayong taon ang Arellano University, 88-85, upang lumapit sa pagsungkit ng kanilang league-best na ika-20 kampeonato sa 92nd NCAA men’s basketball tournament.

Gayunman, ipinamalas sa laro ng Lions kung paano nila ginawa ang paraan sa pagsungkit sa krusyal na panalo na walang iba kundi ang bantayan at pabagaling ang lro ng mabibilis na backcourt duo ng Chiefs na sina Jio Jalalon at Kent Salado.

Bagaman naglaro sina Jalalon at Salado sa kanilang kalidd ng laro at ipinamalas kung bakit sila ang pinakamahuhusay na number two guard tandem sa collegiate basketball ngayon sa pagsalo sa kabuuang 40 puntos at tulad na 11 sa ibinibigay na assist at apat na steal ay nagawa pa din ng Lions na maghirap ang dalawa sa kanilang paglalaro sa kampeonato.

Hindi din maitago ni Jarin ang malaking itinulong nina Robert Bolick at team captain Dan Sara para pigilan ang dalawang karibal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“They’re the best backcourt duo not just in the NCAA but also in the whole of the country,” sabi ni Jarin kina Jalalon at Salado. “They can’t be stopped but we can try to make it difficult for them and make them work even more.”

“So credit the whole team for making it work and also these two guys,” sabi pa ni Jarin patungkol kina Bolick at Sara.

Naitoka kay Bolick ang matinding pagbabantay kay Jalalon sa kabuuan ng laro habang si Sara naman ang umako sa buong responsibilidad upang limitahan si Salado.

Kaya naman sa krusyal na bahagi ng laban ay napuwersang magmintis si Jalalon sa mga kritikal na tsansa at mapuwersa na ipada ang bola sa walang bantay na kakampi na si Dioncee Holts, na hindi din nagawa na ipasok ang posibleng game-clinching jumper.

“I wouldn’t have done it without the support of the whole team, it was our team defense that made it possible not just myself,” sabi ni Bolick, na halos umuwi na pabalik sa Cebu matapos itong ibangko sa nakalipas na dalawang taon sa La Salle bago nakatanggap ng tawag mula kay Jarin para maglaro sa San Beda.

“It took me so long to get back from playing like this because I was injured early in the season,” sabi ni Sara, na nagtamo naman ng bali sa daliri habang nasa praktis sa unang ikot ng eliminasyon.

“I thank coach (Jarin) for being patient with me,” sabi nito. (Angie Oredo)