Nangako si dating WBA at WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada na patutulugin niya sa kanyang unang laban sa super flyweight division ang karibal na si Philippine Boxing Federation 115 pounds titlist Raymond Tabugon sa 10 rounds na sagupaan ngayon sa Puerto Penasco, Sonora, Mexico.

“I’m prepared to win, offering all my talent in the ring and if it’s a knockout, then that’s good and I want a knockout on my return to the ring after a year,” sabi ni Estrada sa Fightnews.com. “I have no doubt that the Filipino will come with everything and will be ready and super flyweight I’ll be very strong.”

Target ni Estrada kapag nagwagi laban kay Tabugon na hamunin sina dating WBC super flyweight champion at kababayan na si Carlos Cuadras o ang kampeon ng WBO na si Naoya Inoue ng Japan.

“I’m seeking big fights, the first is to win on Saturday and in December face Cuadras or Inoue and in 2017 I want (Luis) Concepcion and (Roman) Chocolatito Gonzalez. That’s my goal at 115 pounds!” giit ni Estrada na mahigit isang taon ding nabakante nang magkarooon ng pinsala sa kamay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi naman natitinag si Tabugon na nangakong bibigyan ng magandang laban si Estrada tulad nang pabagsakin niya sa 12th round para talunin sa puntos si South African champion Luzoko Siyo sa sagupaang ginanap sa Eastern Cape, South Africa para matamo ang IBO light flyweight Inter Continental title noong 2014.

“Tabugon and his team arrived ahead of his fight with Estrada,” sabi ng manedyer ng Pinoy boxer na si Claude Manangquil sa Philboxing.com. “Tabugon’s preparation is OK. And he is good to go for October 8. I expect Tabugon to fight hard like he always does. This is a big opportunity for him.”

May kartada si Estrada na 33-2-0 win-loss-draw na may 22 panalo sa knockout at kabilang sa mga Pilipinong tinalo niya sina Brian Viloria na inagawan niya ng WBA at WBO flyweight titles via 12 round split decision noong 2013 sa Macau, China, Milan Melindo (UD 12), Ardin Diale (KO 2), Richie Mepranum TK0 10), Joebert Alvares (UD 10) at Rommel Asenjo (TKO 3).

“This is a big opportunity for me. I am fighting a very good world class boxer but i will not be intimidated and will do everything to get an upset,” pangako naman ni Tabugon na may kartadang 18-5-1 win-loss-draw na may 8 pagwawagi sa knockout. (Gilbert Espena)