Para makaiwas sa matinding sikip ng trapiko tuwing magpa-Pasko, hiniling ng mambabatas sa pamahalaan at pribadong sektor na ibigay ng maaga ang 13th month pay at Christmas bonus sa mga manggagawa.

“If employers give their employees their 13th month pay and bonuses, say, in the first week of November, people can schedule their shopping earlier before traffic peaks in the three weeks leading to Christmas,” ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Sinabi ni Castelo na maiiwasan ang ‘carmageddon’ kapag bukod sa maagang shopping time para sa taumbayan, may mahusay ding eskedyul ang shopping malls.

Bukod sa panukala ni Castelo, may mga plano rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung papaano babawasan ang sasakyan sa Metro Manila sa Christmas season.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang dito ang pagpapatupad ng number coding na tatagal hanggang 24-oras.

Sinabi ni Castelo na dapat pag-aralang mabuti ang mga panukala hinggil sa pagsasaayos ng trapiko sa buwan ng Disyembre upang matiyak na magiging epektibo ito.

Magugunita na hiniling na rin ni Sen. Grace Poe sa Department of Education (DepEd) na agahan ang Christmas break, isang paraan para mapagaang ang trapiko.