AKLAN – Maaari nang maka-avail ng libreng WiFi ang mga lokal at dayuhang turistang dumadating sa Caticlan airport patungo sa Boracay Islands sa Malay.

Ito ay makaraang magkabit ng WiFi ang PLDT at Smart Communications, Inc. sa Boracay Airport, na mas kilala bilang Caticlan Airport.

“With a backhaul of up to 1 gigabit per second, one can easily post those beautiful Boracay photos,” sabi ni Kat Luna-Abelarde, first vice president at chief for wireless consumer operations ng Smart.

Batay sa datos mula sa Department of Tourism (DoT)-Region 6, mahigit 1.24 na milyon ang bumisita sa Boracay Island hanggang nitong Setyembre 2016. (Tara Yap)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito