Pangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihan ang pagtutuunan sa pagragasa sa lansangan ng run for a cause kontra sa numero unong sakit na kanser sa dibdib na nagiging sanhi ng maagang pagkawala sa buhay ng mga kinakapitan nito ngayong umaga sa Tiendesitas Frontera Verde sa Lungsod ng Pasig.

Binansagang Takbo Breast Friends 2016, ang karera na isinasagawa ng Soroptomist International of Ortigas & Environs, sa lungsod ng Pasig ay tatampukan ng 10-kilometrong rutang madadagan ng side event na lima at tatlong kilometrong distansiya.

Sinabi ng race organizer na si Baby Doble na ang bahagi ng matitipon sa patakbo ay mapupunta sa Free Breast Cancer (BC), Chemo (6 cycles) stages I-HIB, libreng Tamoxifen maintenance medicines, public BC awareness campaigns, lectures, seminars, clinical BC exam & screening, BC Advocate Training Course para sa barangay health workers (palpitation sa pasyente), discounted mammograms at pag-imprenta at mamahagi ng tarp posters para sa maagang pagkaalam ng BC.

Pararangalan ang mga papasok sa Top 3 sa mga nabanggit na tatlong kategoryang aalpasan sa ganap na 5AM lugar sa nabanggit na lugar, na may mga suot na event singlets.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod dito, may libreng On-site Breast Screening, palitrato. makapanood ng Pinoy Laugther Yoga sa naturang hagibisang ang butaw o reg. fee ay P600, P500 at P 400 sa pinakamahabang ruta pababa.

Para sa iba pang kaalaman nang makatulong at makalahok, makipagugnayan sa teleponong, may numerong 02-502-4260 at 0917-8138149 o mag e-mail address na [email protected]. (Angie Oredo)