Habang nakakasilo ng celebrities na sangkot sa ilegal na droga, lalong humahaba ang listahan ng pulisya hinggil sa mga artistang nagbebenta at nalulong dito.

Ayon kay Chief Supt. Oscar Albayalde, NCRPO director, umaabot na sa 54 artista ang ngayon ay tinitiktikan nila.

Dumami ito nang mahuli ang dating sexy starlet na si Sabrina M. at Krista Miller.

Ikinanta kasi ng dalawa ang kanilang mga supplier at binebentahan ng droga sa showbiz.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Dahil dito, nanawagan si Albayalde sa talent managers at mga may-ari ng TV networks na umpisahan nang ipa-drug test ang kanilang mga alaga. Isuko na rin ang mga magpopositibo, upang maiwasan ang matinding kahihiyan sapagkat siguradong ito-Tokhang ang mga ito.

“I appeal to them to surrender or subject their talent to drug test. They should not wait for that these celebrities are subjected to Oplan Tokhang,” ayon kay Albayalde.

Samantala si Mark Anthony Fernandez na nakumpiskahan ng isang kilo ng marijuana ay wala umano sa watch list ng pulisya.

Naka-concentrate kasi umano ang pulisya sa mga nagbebenta at gumagamit ng shabu at party drugs. (Aaron Recuenco)