Nagpahayag ng matinding pagtutol ang iba’t ibang stakeholders sa industriya ng karera sa Sabong betting na nangyayari mismo sa loob ng mga OTBs at sa oras mismo ng takbuhan ng karera.
Sinabi nila na ilegal at masyado nang nakakaapekto ito sa bentahan at kinikita ng mga stakesholders sa industriya ng karera.
Sa isang meeting na ipinatawag ng Philippine Racing Commission at GAB noong nakaraang linggo sa Makati City, tinuligsa ng iba’t-ibang grupo ng mga horseowners ang nasabing Sabong betting sa loob ng mga OTBs.
Nagsumite ng position paper para sa GAB ang Thoroughbred Owners of the Philippines (TOP) na nirepresentahan ni Atty. Louie Dimaisip. :
“We are now petitioning your office to rescind or recall the approval granted by GAB to Manila Cockers Club for the operations of the live broadcast and live streaming of e-sabong. First of all, GAB has no power to authorize the operations of e-sabong. Furthermore, with your approval, they started operating in various betting stations that are licensed by GAB only for horseracing. Therefore, we implore you to immediately act on this petition, before the horseracing industry dies,” sabi ng grupo.
Isa namang grupo ng horseowners – Klub Don Juan de Manila na nipresentahan ni Jun Almeda – ang nagsabing ang premyo ngkabayo at masyadong nang bumaba dahil sa kapanabayan nito ang Sabong betting sa loob mismo ng mga OTBs.
Idinagdag pa niya na ang mga taya na dapat sana ay pumapasok sa karera ay napupunta sa Sabong.
“Wala na kaming pupuntahan. Lugina kami sa kabayo, sa pakain. At alam namin na ang pagbaba ng mga taya sa mga OTBs ay nakakaapekto sa dibidendo at premyuhan sa kabayo,” sabi pa ni Almeda.
Sinabi naman ni Nicson Cruz, ang pangulo ng Karera Station Association of the Philippines, Inc. na asosasyon ng mga OTB operators sabansa, na matagal nang nagtatanong ang karamihan sa kanilang miyembro tungkol sa legalidad ng Sabong betting sa OTBs dahil baka maisara ng gobyerno ang kanilangnegosyo kung ito’y talagang illegal.
“Gusto lang naman naming makuha ang assurance mula sa GAB kung ang Sabong betting ba sa loob ng mga OTBs ay legal o hindi. Matagal na kaming nagtatanong bago pa man pumasok itong 2016. Ang isa pa, kung kinakailangan pa ng panibagong permit diyan sa Sabong betting, sino ang sasagot sa pagbabayad nito. Masyadong maliit ang commission na ibinibigay nila doon sa mga OTBs na meron nang mgaSabong betting,” sabi pa ni Cruz.