NEW YORK (Reuters) – Nauga ng panibagong kontrobersya ang kampanya ni Republican presidential candidate Donald Trumpo kahapon, nang ilathala ng Washington Post ang pakikipag-usap niya noong 2005, kung saan bulgar niyang ikinuwento kung papaano niya tinangkang makipag-sex sa isang babaeng may asawa.

Sa na-rekord na usapan, may suot na microphone si Trump at nakikipag-usap kay Billy Bush, host ng ‘Access Hollywood’ ng NBC, kung saan sinabi nitong “I did try and f--- her. She was married,” ayon kay Trump. “I moved on her like a bitch, but I couldn’t get there.”

Nagkwento rin si Trump kung papaano siya humahanga sa magagandang babae, at sa una ay hahalikan muna niya, “and when you’re a star they let you do it,” pahayag nito. “Grab them by the p---y. You can do anything.”

Nang malathala ang ‘bastos na komento’ hinggil sa kababaihan, ipinagkibit-balikat lang ito ni Trump.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“This was locker room banter, a private conversation that took place many years ago,” ayon kay Trump.

“Bill Clinton has said far worse to me on the golf course - not even close. I apologise if anyone was offended,” dagdag pa nito.

Inilarawan naman ng kanyang karibal sa U.S. presidential race na si Hillary Clinton na ‘horrific’ ang nabunyag na usapan. “We cannot allow this man to become president,” pahayag nito.