TOKYO (AFP) – Mahigit isa sa limang kumpanyang Japanese ang may mga empleyado na nagtatrabaho ng napakahabang oras, at nanganganib na mamatay, ayon sa isang bagong pag-aaral ng gobyerno.
Daan-daang pagkamatay na may kaugnayan sa labis na pagtatrabaho -- mula sa stroke, heart attack at suicide – ang iniulat araw-araw sa Japan, na nagbunosd ng mga reklamo at panawagan na tugunan ang problema.
Ang survey ay bahagi ng unang white paper ng bansa sa “karoshi”, o ‘death from overwork’, na inendorso ng gabinete ni Prime Minister Shinzo Abe noong Biyernes.
Ayon sa dokumento, 22.7 porsiyento ng mga kumpanya na tinanong mula Disyembre 2015 at Enero 2016 ang mayroong mga empleaydo na gumugugol ng mahigit 80 oras ng overtime kada buwan -- ang opisyal na sukatan na ang posibilidad na mamamatay sa trabaho ay nagiging seryoso.
Mataas din ang levels ng stress sa trabaho ng mga empleyadong Japanese.