Mga laro ngayon

MOA Arena

2 pm NU vs. FEU

4 pm Adamson vs.La Salle

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magbabalik sa nangungunang De La Salle Green Archers ang coach nitong si Aldin Ayo na uumpisahan ang kampanya sa huling ikot ng labanan matapos walisin ang unang round sa pagsabak nito kontra Adamson sa tampok na laro ngayong hapon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Pupuntiryahin ng Green Archers ang ika-8 sunod na panalo sa pamamagitan ng tangkang pagduplika ng naitala nilang 91-75 na paggapi sa Falcons noong first round.

Magtutuos ang dalawang koponan sa ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang laban sa ganap na 2:00 ng hapon sa pagitan ng National University at defending champion Far Eastern University.

Muling sasandigan ng natatanging may malinis na kartada sa liga na Green Archers ang MVP candidate na si Benoit Mbala gayundin sina Abu Tratter, Aljun Melecio at Andrei Caracut.

Gayunman, tiyak na naghanda at natuto sa kanilang naunang kabiguan sa Green Archers ang pilit na babawi na Soaring Falcons ni coach Franz Pumaren kasama ang mga manlalaro na sina Papi Sarr, Jerrick Ahanmisi at Rob Manalang.

Sa unang laban, magsisikap ang Tamaraws na mapanatili ang kapit sa ikalawang posisyon kung saan solo silang nakaluklok ngayon hawak ang barahang 5-2 panalo- talo.

Sa kabilang dako, tatangkain naman ng Bulldogs (4-3) na maulit ang naitalang 78-75 na panalo sa Tamaraws noong first round para makatabla sa second spot.

Gaya ng dati, inaasahang mamumuno sa FEU sa tangka nilang pagbawi sa first round tormentor NU sina Reymar Jose, Wendell Comboy, Monbert Arong, Prince Orizu, Ron Dennison at Axel Iñigo.

Ngunit tiyak na hindi sila basta na lamang pahihintulutan ng Bulldogs na pamumunuan nina Alfred Aroga, Mat Salem at Jayjay Alejandro. (Marivic Awitan)