DALAWANG beses na palang nabisita ni Alma Moreno ang anak na si Mark Anthony Fernandez sa kulungan at ang pinakahuli ay noong Huwebes. Sumama pa si Alma ang mga anak na sina Yeoj at VJ Marquez sa arraignment ni Mark.
Hindi nagpapa-interview si Alma sa media, ang request lang ay ipagdasal si Mark Anthony at pati sa Facebook, nag-post siya ng, “Please pray for my son.”
Nabanggit naman ni Mark na kung malalampasan niya ang natitirang dalawa niyang kaso, balak niyang pumunta sa Amerika para magbagong buhay. Hindi naman niya siguro iiwan ang live-in partner niya at ang kanilang anak dahil kawawa naman.
(NITZ MIRALLES)