Oktubre 9, 1976 nang manguna ang single ni Walter Murphy na “A Fifth of Beethoven” sa Billboard Hot 100 chart. Ang nasabing awitin ay maririnig sa pelikulang “Saturday Night Fever”, at kabilang sa multi-platinum soundtrack album.

Sa kanyang kaalaman sa classical music, binuo ng multi-instrumentalist na si Murphy ang nasabing awitin. Isinulat at inayos niya ang awitin. Unang napakinggan ang awitin sa Billboard chart noong Mayo 29, 1976, at nakuha ang ika-80 puwesto.

Ang matagumpay na disco single ni Murphy ay inspirado ng mga gawa nina George Gershwin at Rimsky-Korsakov na hindi naging kasing-tagumpay ng “A Fifth of Beethoven.”

Nagsimula si Murphy na mag-musical training sa edad na 4. Sa Manhattan School of Music, composition ang kanyang major. Sinimulan niya ang kanyang career sa pagsusulat ng jingles para sa mga commercial sa unang bahagi ng 1970.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'