Isinara ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Valenzuela City Local Government Unit ang anim na off- track betting (OTB) station na may sabong o live streaming cockfighting events cockpits and off cockpit betting station.

Ang pagpapasara ay dahil sa pagtanggap ng mga taya sa sabong na pinamamahalaan ng Manila Cocker’s Club Inc., kung saan ginagawa ang laban sa Carmona City, Cavite.

Base sa patakaran, kukuha ang mga OTB ng kanilang horse racing permit sa Games and Amusement Board (GAB) at sa mga local government unit o city hall upang tumanggap ng taya sa mula sa horse racing aficionados mula sa Sta. Ana Racing Club, Metro Turf, at San Lazaro Racing Club.

Ayon kay Atty. Rebchie May Padayao, head ng BPLO, walang maipakitang permit sa City Council ang anim na ipinasarang OTB kaya napilitan silang ikandado ang mga ito.

Eleksyon

Congressional bet sa Quezon, pinatawan ng disqualification case dahil sa vote buying

“Wala silang naipakitang authorization mula sa Sanggunian para tumanggap ng taya sa sabong matapos silang puntahan ng aming mga inspector noong Agosto 12 at Setyembre 9,” sambit ni Atty. Padayao.

Mismong ang Metro Manila Turf Club ay nagpahayag ng pagkabahala at oposisyon sa sabong betting.

“As mentioned in our previous letter to Philippine Racing Commission, the totalizators intended for horseracing are now being used by Manila Cockers Club Inc. for the taking of bets in live streamed cockfights. Contrary to the conditions set by the GAB in its letter dated 05 May 2016, the OTBs where these totalizators are located have not been authorized by the local government units concerned to take bets for live streamed cockfights. Without such authority, these betting activities, undertaken through the use of totalizators, constitute illegal gambling,” ayon sa Metro Turf.

Pinayuhan ni Atty. Padayao ang mga OTB operator sa lungsod na kumuha na rin ng permit upang hindi sila maipasara.

(Orly L. Barcala)