Ipinahayag kahapon ng Department of Health (DoH) ang paglulunsad ng programang Rabies: Educate. Vaccinate. Eliminate bilang pundasyon para sa minimithing rabbies-free Philippines sa taong 2020.

Sinabi ni DoH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial na kabilang ang rabies sa nakamamatay na sakit na nakukuha hindi lamang sa kagat ng aso at pusa kundi maging sa simpleng galos at laway ng mga alagang hayop na pa nababakunahan.

“Rabies is considered a neglected disease that is 100% fatal by 100% preventable, ” pahayag ni Ubial.

Sa pakikipagtulungan sa National Rabies Prevention and Control Committee (NRPCC) na binubuo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong organisasyon, kabilang na ang GSK Philippines, inilunsad din ng DOH ang BILIS (BIlisan ang paghugas ng sugat, LInisin ng alcohol, Sumangguni sa doctor ukol sa tamang pag-gamot ng sugat) campaign, para sa responsableng pet owner.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ipinaalala ni DoH spokesman Dr. Eric Tayag na libre ang bakuna laban sa rabies sa mga animal bite center sa mga barangay center at health center sa buong bansa.