Walang “Death Squad” na gumagala sa Metro Manila.

Ito ang tahasang sinabi kahapon ni acting National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde sa kabila ng kabi-kabilang pagpatay sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), simula Hulyo 1 hanggang Oktubre 5 ng kasalukuyang taon ay nasa 2,421 kaso ng death under investigation (DUI) o tinatawag na biktima ng extrajudicial killings sa Metro Manila.

Iginiit ni Albayalde na tagumpay ang gobyero sa kampanya nito kontra ilegal na droga kaya walang dahilan para magkaroon ng death squad, gaya ng ipinalalagay ng ilan. (Bella Gamotea)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho