Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

12:30 n.h. -- Champion vs IEM (Turf)

4 n.h. -- Coast Guard vs UP (V-League)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6 n.g. -- UST vs BaliPure (V-League)

Sasalang ang University of Santo Tomas sa mas matinding hamon sa pagpuntirya sa ikatlong sunod na panalo kontra BaliPure habang magtatangkang makabawi ng University of the Philippines sa pakikipagtuos sa Coast Guard ngayon sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig.

Naghahanda para sa darating na UAAP, nakapagtala ang Tigresses ng dalawang dikit na panalo sa kabila ng paglalaro na puro lokal player noong nakaraang Linggo pinakahuli kontra Open Conference runner-up Air Force Jet Spikers.

Ngunit, sa pagkakataong ito, inaasahang masusubok nang husto ang Tigresses, winningest team sa liga na may anim na titulo at pinangungunahan ni EJ Laure sa pagsalang nila kontra Water Defenders na nanatiling solido sa kabila ng pagkawala nina Alyssa Valdez at Grethcel Soltones.

Kinuha ng Ateneo-backed Water Defenders para palakasin ang kanilang roster si dating league MVP Suzanne Roces na susuportahan ng mga dating Ateneo mainstay na sina Amy Ahomiro, Bea Tan, Mae Tajima, Dzi Gervacio, Ella de Jesus, Jem Ferrer, Dennis Lazaro at Charo Soriano.

Makakabalikat naman ni Laure sina Carla Sandoval, Marivic Meneses, Chloida Cortez, Shannen Palec at ang nagbabalik na si Pam Lastimosa.

Muli silang masusubok sa pagsagupa sa mga reinforcements ng Balipure na sina setter Kaylee Manns at outside hitter Katharine Morrell, na kapwa nagkukumahog na makuha ang kanilang International Transfer Certificates.

“We are very disappointed for experiencing problems with our American imports. We have learned the BaliPure’s account in the Volleyball Information System has been changed and has affected the status of our imports for our match against UST,” ayon kay BaliPure team manager Gil Cortez.

“We have to comply with the necessary work permit and paid all the fees to facilitate this. That this is happening to several clubs is no coincidence. We ask that LVPI (Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.) to investigate this immediately. All we want to do is play volleyball.”

Samantala, hangad namang makabawi ng Lady Maroons mula sa nalasap na opening game setback sa pagtutuos nila ng Lady Dolphins na wala pang naipapanalo matapos ang unang dalawang laro.

Mauuna rito, magtutuos naman sa Spiker’s Turf ang Instituto Esthetico Manila at Champion Supra Cleaning Detergent ganap na 12:30 ng .hapon. (Marivic Awitan)