HUMAHATAW ang interactive ng Kapuso show na Usapang Real Love (URL). Bukod kasi sa cute love triangle nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Jak Roberto sa pinagbibidahan nilang premiere episode (mapapanood sa loob ng apat na Linggo), sa mas maraming video challenges na ipino-post sa Facebook page ng show, doble naman ang netizens na nagpapadala ng kanilang video. Ayon sa mga sumali, kinikilig sila tuwing napapanood ang kanilang video entries sa TV.
Hindi pa huli para sa ibang viewers na hindi pa nagpapadala ng video, para makasama sa eksena ng inyong favorite Kapuso love team. Madali lang sumali. Abangan lang ang video challenges na ipo-post ng URL sa Facebook page na UsapangRealLove at ipadala ang inyong video sa Facebook o puwede rin na i-tweet o i-post sa Twitter o Instagram.
Then, i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MagpaFANSin.
Ang mapipiling video entry ay isasama sa episode at mapapanood sa TV. Tutukan ang kilig love stories ng Usapang Real Love tuwing Linggo ng hapon sa GMA.
