Ipinagdiinan kahapon ni Sen. Leila de Lima na ang retiradong Cebu City police, na tumestigo nitong Huwebes at nagsabing tumanggap siya ng P1.5 milyon cash noong siya ay bumisita sa National Bilibid Prison (NBP), ay kaanak ni Pangulong Duterte.

“I just got this information that this (Engelbert) Durano is no longer in the active service but he is policeman, napaka-corrupt daw po na pulis ‘yan. He is from Danao city and he is a relative of President Duterte,’’ ani De Lima.

Inihayag ito ni De Lima bago siya dumalo sa public hearing ng Senate finance sub-committee, na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda, kaugnay ng 2017 proposed budget ng Department of Justice (DoJ) na aabot sa P28.8 bilyon, mas mataas ng P15 bilyon sa kasalukuyang P12.9 bilyon budget.

“I don’t know him (Durano). I have not met him. Lies. Never did I receive anything lalo na ‘yong so-called drug money sa mga acts of corruption. (I’m) not involved in any manner, any manner of corruption,’’ diin niya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Tumestigo si Durano nitong Huwebes na siya raw mismo ang nag-abot kay De Lima ng P1.5 milyon, idinagdag na inutusan siya ni Jeffrey Diaz, alyas ”Jaguar’’, dati umanong bilanggo na nagbebenta ng shabu’ sa Cebu City, upang ipadala ang pera kay De Lima sa kubol ng umano’y drug lord na si Jaybee Sebastian.

Samantala, inatasan ng House Committee on Justice si Ronnie Dayan, ang driver at umano’y lover ni De Lima, na magpaliwanag sa loob ng 24 oras kung bakit hindi ito dapat madamay at maaresto upang masiguro ang presensiya nito sa susunod na pagdinig.

Ito ay matapos bawiin ng House panel ang naunang desisyon nito na i-cite for contempt si Dayan sa pagkabigong dumalo sa congressional hearing nitong Huwebes. (Mario Casayuran at Ben Rosario0