NABAS, Aklan - Isang school principal ang namatay habang kritikal naman ang isang tricycle driver matapos na mabangga ang kanilang sasakyan ng isang rumaragasang truck sa Nabas, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang namatay na si Juliet Salminao habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang tricycle driver na si Jay Taniongan.

Ayon kay SPO1 John Paclibar, ng Nabas Police, kaagad namang sumuko sa awtoridad ang truck driver na si Reenan Saracanlao, na pinalaya rin dahil hindi pa ito handang kasuhan ng pamilya ng mga biktima. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder