HATID ng GMA News and Public Affairs ngayong Linggo (October 9) ang PDU30@100, isang special report na magbabalik-tanaw sa unang 100 araw ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tampok dito ang mga nagawa ni Pres. Duterte at ng kanyang gabinete simula nang maupo siya sa puwesto. Sisilipin din sa special report ang pag-usad ng mga pangakong binitawan ng pangulo noong panahon ng kampanya.
Sa pangunguna ni Jessica Soho, ang mga reporter na makakasama sa pagsusuri sa unang 100 araw ng administrasyong Duterte ay sina Mariz Umali, Ian Cruz, Joseph Morong, at Chino Gaston. Sila ang mga mamamahayag na nakatutok at nag-uulat sa mga pangyayaring may kinalaman sa pangulo.
Ang bawat isa ay mag-uulat ukol sa mga plano, aksiyon, at mga nagawa na ng Duterte administration tungkol sa illegal drugs at krimen, usaping pangkapayapaan, problemang pantrapiko, ekonomiya, korapsyon, kahirapan, agrikultura, at kalikasan.
Mapapanood ang PDU30@100 ngayong Linggo (October 9), pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.