KUMPIRMADONG hindi na muna pagsasamahin sa ano mang proyekto ang magka-love team na sina Xian Lim at Kim Chiu. Ang desisyon daw ay mula raw sa isang mataas na executive ng Kampamilya Network.
May mga ibinigay na kadahilan daw ang executive kaya walang magawa ang mga nagpapatakbo ng career nina Xian at Kim kundi tanggapin ang desisyon.
May lumabas pang isyu na may project si Gerald ang makakapareha ni Kim at si Xian naman ay may sasamahang pelikula na iba ang makakapareha.
Walang nakikitang problema si Xian kung pinaghihiwalay man sila ni Kim. Ano man daw ang plano ng network ay alam niyang para iyon sa ikakabuti ng career nila.
“I think alam ‘yun ng lahat na sumusuporta sa aming dalawa ni Kim. Palagay ko, eh, very much open naman sila.
Kumbaga, ang personal life naman at ang work, eh, malaki ang kaibahan,” sey ni Xian.
Aware si Xian na may supporters sila ni Kim na hindi matanggap ang plano sa kanilang dalawa sa kanilang future projects.
“Sana lang naman, eh, tanggapin na rin nila. Hindi naman ‘yun pang-lifetime. Sa mga susunod na pagkakataon din naman, eh, magkakaroon din naman kami ng project ni Kim na magkasama,” banggit pa ni Xian.
Hindi rin aniya dapat ikabahala ng KimXi fans ang pambaba-bash sa kanila kapag napag-uusapang ipapareha sila sa ibang artista.
“Regarding sa bashers, kahit anong gawin natin, eh, magkakaroon ka rin naman. People are always gonna have something to say. Pero para sa akin, it’s more of trust na magandang proyekto ang ilalabas,” lahad pa ng Kapamilya actor.
Sa ngayon daw ay panay ang pagpapalaki ng katawan ni Xian, bilang paghahanda ito sa pelikula na gagawin niya.
Di ba, Ms. Thess Gubi? (JIMI ESCALA)
