Nasa kostudiya na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato makaraan siyang isuko kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Criminal Invesatigation and Detection Group (CIDG), isinuko si Matobato matapos na maglabas ng arrest warrant si Judge Silverio Mandalupe, ng Regional Trial Court Branch 3, kaugnay ng kaso nitong illegal possession of firearms noong 2014.

Sinabi naman ni Trillanes na babalik sa kanyang kustodiya si Matobato kapag nakapaglagak na ito ng P2,000 piyansa sa nabanggit na korte.

“Temporary lang ‘to. Remember, bailable ‘yung kaso niya. Dadaanan lang ‘yung kailangan na daanan, ‘yung pag-post ng bail, pag-arraign sa kanya, then kukuhanin ko ulit siya, ‘yung custody niya. I will continue to provide custody para sa kanya. Hindi natin papabayaan si Mr. Matobato,” ani Trillanes.

Probinsya

Bahagi ng sementeryo sa Catanduanes, gumuho sa pag-ulan; ilang puntod, tinangay ng baha!

Tiniyak naman ni Dela Rosa ang kaligtasan ni Matobato sa poder ng PNP, at nagpasalamat kay Trillanes sa pagtitiwala sa kanya.

Sinabi naman ni Matobato na maluwag sa kanyang kalooban na nasa kostudiya siya ni Dela Rosa: “Ako, handa na ako.

‘Yung buhay ko, ibinigay ko na sa Diyos. At kung ano ang mangyari sa ‘kin, wala na akong magagawa. Basta itama ko lang ‘yung pagkakamali ko.”