HINDI na masyadong ikinagulat ng maraming taga-showbiz ang pagkakaaresto kay Mark Anthony Fernandez. Sa katunayan, ang dami-daming inside stories na naglalabasan ngayon tungkol sa kanya.

Sa kuwentuhan ng mga katoto, narinig namin na sa taping daw ng seryeng ginawa ni Mark sa GMA noon ay nagpahanap siya ng alcohol. Nang iabot ang alcohol sa kanya ay kung ilang beses niyang binuhusan ang puwet niya.

“Feeling ko kasi ang dumi-dumi ng puwet ko kaya binuhusan ko ng alcohol,” katwiran daw ni Mark nang tanungin ng kasamahang actor sa naturang serye.

Ayon naman sa taong dating malapit sa aktor, napapansin din sa produksiyon noon na laging pawisan si Mark lalo na kung eksena na niya ng ang kukunan. May mga pagkakataon na nahihirapan ang aktor sa pagbibitaw ng mga dayalog niya, kinakain niya ang kanyang mga sasabihin at iyon ang dahilan kung bakit ilang beses na ipinauulit ng direktor ang mga eksena niya.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

Matandaan na dalawang taong mahigit na namalagi si Mark sa isang rehabilitation center. Nakabawi siya at muling nabigyan ng pagkakataon sa showbiz at naipagpatuloy uli ang kanyang hilig sa pag-aartista.

”Ang problema nga lang, eh, laging wala siya sa sarili. Kung minsan, tahimik lang ‘yan pero kadalasan masyado siyang hyper, nagbibida sa set, sobrang hyper siya,” kuwento pa ng nakausap namin.

Walang piyansa ang kaso ni Mark kaya awang-awa sa kanya ang mga taga-showbiz dahil kilala naman ng lahat na napakabait niya.

Hindi itinanggi ni Mark na gumagamit siya ng marijuana, katunayan na honest siyang tao.

“Pero tama lang na walang papaboran ang batas. Kailangan niyang pagdusahan ang maling ginawa niya,” sey naman ng isang beteranong manunulat na kasama namin sa umpukan.

Bukod sa inang si Alma Moreno ay binisita na rin si Mark ng mga kaibigan at mga nakasama niya sa trabaho. Hindi lang namin nalaman kung bumisita na sa kulungan ng aktor ang kanyang mga anak, isang babae at dalawang lalaki.

Samantala, kung may naniniwala na honest mistake ang pagtawag ni Noli de Castro kay Lorna bilang ina ni Mark at hindi si Alma Moreno, may mga nagsasabi namang tipong sinasadya raw iyon ng sikat na newscaster.

“Imposible kasing hindi niya alam na si Alma at hindi si Lorna ang ina ni Mark, ‘di ba?” balik tanong ng isang taga-ABS-CBN na kasama namin sa umpukan.

Samantala, umaani pa rin ng pagbatikos ang dalawang policewoman ng Angeles, Pampanga na nagpakuha ng larawan kasama si Mark Anthony. Hayan tuloy, kung anu-ano ang panlalait na natatanggap ng dalawa, at malamang makakasuhan pa, huh!

(JIMI ESCALA)