MEXICO CITY (Reuters) – Limang kaso ng Guillain-Barre syndrome na iniugnay sa Zika virus infection ang nakumpirma sa Mexico, sinabi ng Secretary of Health ng bansa noong Huwebes.

Natuklasan na tatlong lalaki at dalawang babae sa katimugan ng bansa ang nagkaroon ng sakit matapos kapitan ng Zika virus.

Ang Guillain-Barre ay isang kondisyon na inaatake ng immune system ng katawan ang nervous system. Nagdudulot ito ng panghihina ng mga paa, braso at pang-itaas na katawan. Sa ibang kaso ito ay maaaring mauwi sa temporary paralysis.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina