2-copy-copy

Nagulantang ang host Philippine men’s football team o Azkals sa malaking pagbabago sa dati nitong tinalo na dumayong Bahrain na nagpalasap dito ng nakakadismayang 1-3 desisyon sa ginanap na international friendly Biyernes ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Hindi pa nakakalipas ang limang minuto ay agad na nagbigay ng isang goal ang Azkals sa unang hati bago napabayaan ang isa pa sa pagsisimula ng ikalawang hati upang maghabol sa kabuuan ng laro.

Nahuli ng mga bisita na natutulog ang mga host kung saan nagawa ni Aadeem Khabir ang pasa mula kay Ahmed Madan sa unang limang minuto bago dinoble sa ika-49 minuto ng laban.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakaganti ang Azkals mula sa bagong pasok lamang na si Mike Ott sa ika-53 minuto subalit ito na lamang ang tanging nagawa ng koponan na naghahanda para sa isang internasyonal na torneo.

Tanging si Ott lamang ang masipag na umatake para sa Azkals kung saan apat na minuto pa lamang sa loob ang Filipino-German secondary striker ay nakaiskor agad sa kanyang unang laro sa pagsisimula ng huling hati mula a pasa ni Martin Steuble.

Hindi na nagawa pa ng Azkals na mahabol ang kalamangan na nagtulak kay Azkals coach Thomas Dooley upang ipasok ang mga bago nitong miyembro na sina Fitch Arboleda, Daniel Gadia, at Paolo Bugas.

Ipagpapatuloy ng Azkals ang kanilang paghahanda para sa 2016 AFC Suzuki Cup sa isa pang friendly match kontra North Korea Lunes ng gabi. (Angie Oredo)