BEIRUT/GENEVA (Reuters) – Makakaalis ang mga rebelde sa Aleppo kasama ang kanilang mga pamilya kapag ibinaba nila ang kanilang mga armas. Ito ang sinabi ni President Bashar al-Assad noong Huwebes kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ang pag-atake sa pinakamalaking lungsod ng Syria hanggang sa ito ay mabawi.

Gayunman, sinabi ng mga rebelde na wala silang balak na lisanin ang Aleppo, ang huling siyudad na kontrolado nila, at kinondena ang alok na amnestiya na isa umanong panlilinlang.

“It’s impossible for the rebel groups to leave Aleppo because this would be a trick by the regime,” sabi ni Zakaria Malahifji, ang Turkey-based official ng grupong Fastaqim na kumakatawan sa Aleppo. “Aleppo is not like other areas, it’s not possible for them to surrender.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture