Patay ang isang “adik” na sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Makati City nitong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot si Ryan Santillan, nasa hustong gulang, ng Barangay Pio del Pilar ng nasabing lungsod, sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa katawan.

Sa ulat na natanggap ni Makati City Police chief Sr. Supt. Rommil Mitra, dakong 10:00 ng gabi nangyari ang pamamaril sa Arnaiz St., Bgy. Pio del Pilar.

Nakatayo umano si Santillan sa nasabing lugar nang sumulpot ang dalawang salarin na sakay sa motorsiklo at isa mga ito ang bumunot ng baril at malapitang pinaputukan ng apat na beses si Santillan na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Noong Setyembre, sumuko na umano si Santillan sa Oplan Tokhang ngunit hindi umano siya tumigil sa masamang bisyo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)