BAGUIO CITY - Patay ang tatlo sa apat na car washer na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Naguillian Road sa siyudad na ito, nitong Huwebes ng gabi.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung personal o may kinalaman sa droga ang pamamaslang.

Kinilala ni Senior Supt. Ramil Saculles, acting city director ng Baguio City Police Office, ang napatay na sina Rudy Pagaduan Pais, tubong Santa Cruz, Ilocos Sur; Roland Valdez, ng Asin Road, Baguio City; at isang hindi nakilala na may tattoo na “XV Guardians L Lar Maute”.

Ginagamot naman sa ospital si Mark Angelo Chuca Calma, 32, ng San Roque Village, Baguio City.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 10:45 ng gabi at nasa loob ng 3M Carwash ang mga biktima, sa may San Roque Village, nang biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito. (Rizaldy Comanda)