Pinalaya ang 29 detinadong Pilipino sa utos ni United Arab Emirates (UAE) President at Ruler of Abu Dhabi, Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, bilang pagdiriwang ng Ramadan at Eid Al Adha, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Ayon sa prison officials sa Abu Dhabi Central Jail, 15 nakakulong na Pinoy ang pinalaya noong Ramadan habang 14 pa ang napipintong palayain para sa Eid Al Adha.

“I wish to thank the UAE Government for granting pardon to the 29 Filipinos detained in various Abu Dhabi jails,” sabi ni Philippine Ambassador to the UAE Constancio R. Vingno, Jr. (Bella Gamotea)

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!