NEW YORK (Reuters) – Nanguna ang Apple Inc., Alphabet Inc.’s Google at Coca-Cola Co. sa listahan ng 100 most valuable brands ng 2016. Karamihan sa mga nakapasok sa listahan ay technology at automotive brands, ayon sa bagong ulat mula sa brand consultancy na Interbrand.

Pasok din sa Top 10 ng listahan ang Microsoft Corp., Toyota Motor Corp., IBM Corp., Samsung Electronics Co. Ltd., Amazon.com Inc., Mercedes-Benz at General Electric Co., ayon pa sa report.

Top growing brands naman ang social network na Facebook Inc., e-commerce giant na Amazon at toy company na Lego.

Iniranggo ang mga brand batay sa “financial performance, influence on customers, and power to command a premium price or drive company sales.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina