LAOAG CITY, Ilocos Norte – Pormal nang isinumite sa Supreme Court (SC) nitong Huwebes ang kabuuang 1,158,606 na lagda na sumusuporta sa petisyon para sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Nagdaos ang mga Marcos loyalist ng unity mass sa harap ng Korte Suprema bago iprinisinta ang mga lagda, umaasa na positibong matutugunan ang petisyon nilang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang dating presidente.

Ayon kay Atty. Hyacinth Rafael-Antonio, abogado ng pamilya Marcos, ang hindi nagmamaliw na suporta ng mga Pilipino sa dating Pangulo 27 taon matapos itong pumanaw ay nagpapatunay lang na “there are numerous Filipinos who are in favor of the burial of the late President at the Libingan ng mga Bayani.”

Kabilang sa mga kinalap na lagda ang mga e-signature sa petisyon sa Change.org na “#ilibingNa si President Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nangalap din ng mga lagda maging sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Canada, Hong Kong at Taiwan.

(Freddie G. Lazaro)