BRATISLAVA, Slovakia (AP) — Pumanaw sa edad na 86 si Michal Kovac, ang unang pangulo ng Slovakia matapos itong maging isang independent state noong 1993.

Namatay si Kovac noong Miyerkules sa isang ospital sa Bratislava, kung saan siya ginagamot noon pang Biyernes dahil sa heart failure, ayon kay Interior Ministry spokesman Ivan Netik. Si Kovac ay nagdurusa sa Parkinson’s disease.

Natamo ng Slovakia ang kasarinlan noong 1993 matapos mahati ang Czechoslovakia sa Czech Republic at Slovakia. Nahalal na pangulo si Kovac, dating finance minister at speaker ng Czechoslovakia Parliament, at nagsilbi hanggang 1998.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina