Oktubre 7, 1816 nang dumating ang double-decker steamboat na “The Washington,” na binuo ng shipbuilder na si Henry Shreve, sa New Orleans. Ang barko—na magsisilbing modelo para sa classic Mississippi riverboats—ay may mababaw na two-story deck, flat-bottomed hull, isang pilothouse, at isang stern-mounted paddle wheel.

Ginagamit noong una sa pagbubuhat ng bagahe, hindi nagtagal ay naging bukas na rin ang “The Washington” sa mga pasahero. Mas mabilis ang biyahe gamit ang nasabing steamboat kaysa ibang mga bangka noong mga panahong iyon.

Sa kasagsagan ng kasikatan ng paddle wheelers noong 1850, aabot sa 740 steamboat ang madalas na bumibiyahe sa Mississippi at Ohio Rivers na may tinatayang tatlong milyong pasahero.

Human-Interest

68-anyos na senior citizen sa Lapu-Lapu City sumakses; tuli na, may ₱20k pa!