Isang beteranong mambabatas at isang dating spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang itinalaga bilang mga bagong Philippine ambassadors.

Si Jose Santiago Sta. Romana, dating Beijing bureau chief ng ABC News sa United States, ay ipapadala bilang ambassador to China. Ang kanyang puwesto rin ang may concurrent jurisdiction sa South Korea at Mongolia.

Itinalaga siya bago ang nakaplanong pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China bilang bahagi ng pagsisikap nito na patatagin ang diplomatic at economic ties sa pinakamalaking ekonomiya sa Asia, sa kabila ng iringan ng dalawang bansa kaugnay sa South China Sea.

Samantala, itinalaga naman si Assistant Foreign Affairs Secretary Charles Jose bilang bagong Philippine ambassador to Malaysia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sina Jose at Sta. Romana ay kabilang sa 10 bagong ambassadors na itinalaga kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang appointment papers ng dalawang diplomat, kasama ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan, ay isinumite na sa bicameral Commission on Appointments. (Genalyn D. Kabiling)