DAHIL sa panghihimasok ng ilang bansa, lalo na ng United States (US) at European Union (EU), sa mga patakarang pinaiiral sa Pilipinas, marami ang nangangambang maputol ang mga ayudang pangkabuhayan at pangseguridad para sa mga mamamayang Pilipino. Sino nga namang mga kaalyado nating mga dayuhang lider ang hindi tatabangang sumaklolo sa atin kung paulit-ulit ang maaanghang na patutsada sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte? Pinasaringan niya kamakailan si US President Barack Obama: Go to hell; at ang EU leaders: Go to purgatory. Pareho silang pinapupunta sa impyerno.
Kaagad namang ipinaliwanag ng Malacañang na hindi dapat literal o letra por letra ang pagpapakahulugan sa naturang pahayag ng Pangulo. Ibig sabihin, nais lamang niyang bigyang-diin marahil na walang sinumang dapat manghimasok sa kanyang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga na hindi lamang sa Pilipinas talamak kundi maging sa kani-kanilang mga bansa.
Ang naturang patutsada ni Pangulong Duterte ay nagbunsod ng pangamba sa ilang lider at sa mismong mga mamamayan. Sa panig ni Vice President Leni Robredo, halimbawa, pinaalalahanan niya ang Pangulo na medyo magdahan-dahan sa kanyang mga pananalita. Ang kanyang mistulang pakiusap ay nakaangkla sa maaaring pagtamlay ng ating relasyong panlabas sa US, EU at sa iba pang bansa na hindi malayong tumigil sa pagtulong sa Pilipinas.
Lumilitaw na ang tanggapan ni VP Robredo ay may mga isinusulong na mga programa sa iba’t ibang larangan na nangangailangan ng saklolo ng international organizations. Totoo naman na hindi natin maisasakatuparan ang isang proyekto nang walang ayuda ng mga dayuhan, lalo na ng mga Kano.
Kung tayo ay sinasalanta ng mga kalamidad, bumubuhos ang mga relief goods at iba pang tulong mula sa iba’t ibang bansa. Kusang nagdadatingan ang mga rehabilitation teams para sa pagliligtas ng mga calamity victims.
Taliwas ito sa paninindigan... (Celo Lagmay)