maine-at-alden-copy-copy

MAY nagrereklamong fans dahil tinawag na “Phenomenal Star” si Alden Richards sa press release ng GMA-7 sa pagho-host ng aktor sa 21st Asian Television Awards na gaganapin sa Singapore sa December 2.

Si Maine Mendoza lang daw ang may karapatang tawaging “Phenomenal Star” dahil siya ang baguhan sa kanilang dalawa ni Alden. Si Alden daw, five years na sa showbiz bago pa sumikat. Mas tama raw kay Alden ang title na “Pambansang Bae” at hindi “Phenomenal Star.”

Gayunpaman, walang reklamo ang nagrereklamong fans sa title na ”Phenomenal Love Team” na sina Alden at Maine ang tinutukoy.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Dedma nga lang ang network at si Alden mismo sa naturang reklamo at si Alden nga, tuluy-tuloy at sunud-sunod pa rin ang projects, habang hinihintay ang teleserye nila ni Maine. Napapanood pa rin siya sa Encantadia at may mga show dito at sa ibang bansa.

Sa October 9, launching ng second album niya under GMA Records titled Say It Again na gagawin sa Market! Market! Sa Oct. 28, may show si Alden kasama sina Ely Buendia, James Wright, One Up at si Aiza Seguerra. Sa Dec. 18, sa Hong Kong siya may show at bago ‘yun, magho-host si Alden ng 21stAsian Television Awards sa Singapore.

Bakante pa si Alden sa November, kaya hindi natin alam kung biglang may offer na dumating sa kanya.

Makakasama ni Alden as host ang ibang Asian stars na sina Adrina Pang, Stephanie Carrington at Baki Zainal.

“It is truly an honour to be hosting this year’s Asian Television Awards and celebrate the best television content that Asia has to offer,” sabi ni Alden.

Mapapanood sa GMA News TV ang delayed telecast ng 21st Asian Television Awards, 9:30 PM, sa December 11.

(Nitz Miralles)