Malaki ang posibilidad na maapektuhan ang “pagkalalaki” ng isang negosyanteng Chinese, matapos siyang barilin sa ari ng dalawang holdaper na bumiktima sa kanya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa intensive care unit ng isang ospital si Wang Quing Xu, 44, ng No. 56 Rosa Street, Araneta Village, Barangay Potrero ng nasabing lungsod.

Ayon sa report ni SPO1 Rolando Hernando, dakong 1:00 ng madaling araw, galing sa isang convenient store ang biktima at naglalakad sa Victoneta Avenue, Bgy. Potrero, nang siya’y salubungin ng mga suspek at tinutukan ng sumpak saka nagdeklara ng holdap.

Pilit umanong kinuha ng mga suspek ang ipad ng biktima na nagkakahalaga ng P40,000 at hindi rin pinaligtas ang kanyang P2,000 cash, kaya napilitan umano ang biktima na lumaban dahilan upang siya’y barilin ng mga ito.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

Mabilis tumakas ang mga suspek dahil unti-unti nang nagkakaroon ng tao sa lugar, habang isinugod naman si Wang sa ospital.

Inaalam pa ng Malabon Police kung may closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar ng pinangyarihan upang mapabilis ang imbestigasyon. (ORLY L. BARCALA)