Hindi para sa mga katulad ng aktor na si Mark Anthony Fernandez ang isinusulong na legalisasyon ng marijuana.

Ito ang tiniyak ni Isabela Rep. Rodito Albano, matapos na ikatwiran ni Fernandez na gumagamit siya ng marijuana upang makaiwas sa kanser, sakit na kumitil sa buhay ng kanyang amang si Rudy Fernandez.

Kabado si Albano na baka maniwala ang publiko sa batang Fernandez, gayundin sa House Bill 180 o legalisasyon ng marijuana na kanyang inakda.

“There is no link whatsoever, cannabis is not for cancer prevention,” ayon kay Albano.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Albano na sa kanyang panukala, ang posesyon ng dahon ng marijuana o paghithit nito na parang sigarilyo ay mananatiling criminal offense sa ilalim ng Dangerous Drugs Act.

“HB 180 is not for his sake, he is using it for recreational purposes,” dagdag pa ni Albano.

Ipinaliwanag ni Albano na sa mga clinical o medical trials, ang marijuana ay may elemento na pwedeng pumigil sa pagkalat ng kanser, pero hindi umano rito makukuha ang immunity sa nasabing sakit.

Si Fernandez ay magugunitang inaresto sa Angeles City, kung saan nakumpiskahan siya ng halos isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana. (Ben R. Rosario)