jodi_-copy-copy

SUNUD-SUNOD ang biyayang dumarating sa buhay ni Jodi Sta.Maria. Pagkatapos mapanalunan ang one million cash prize sa Minute to Win It at ang kanyang Best Actress nomination sa 2016 International Emmy Awards, ngayon naman ay isang bagong film project ang ibinigay sa kanya ng Star Cinema, ang Dear Other Self with her newest leading men na sina JC de Vera at Joseph Marco.

Ito ang follow-up movie sa tumabo sa box office na The Achy Breaky Heart na pinagbidahan niya with Richard Yap and Ian Veneracion.

Ini-reveal ni Jodi sa storycon ng movie na makaka-relate ang maraming kababaihan sa kuwento ng Dear Other Self dahil tungkol ito sa journey ng magiging character niya na kailangang mamili sa ambisyon o uri ng buhay na pinapangarap niya o kung patuloy ba siyang mananatili sa piling ng mga taong minamahal niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Nakakatuwa din na very relatable ang mga kuwento na nagagawa natin and isa pa, thankful din ako sa mga dumarating na proyekto kasi kakaiba. Kumbaga, iba naman. Basta marami silang matutunan at kikiligin sila,” sabi ni Jodi.

Dahil sadya ngang relatable ang mga pelikula na pinagbibidahan niya, naitanong sa aktres kung may hawig din ba ang istoryang ng bagong movie niya sa kanyang personal na buhay.

“Hindi naman, p’wedeng excitement and adventure pero wala namang stability and security. Hindi naman p’wedeng stability and security ‘tapos boring naman, so parang feeling ko na importante din na balanse.”

Nang tanungin kung balanse ba ang kanyang buhay ngayon, aniya, “Balanseng-balanse.”

Nang maitanong ang estado ng kanyang lovelife, ang sagot niya, “I’m happy.”

Nangangahulugang totoo ang tsikang back into each other arms sila ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla.

Bukod sa pelikula, pinaghahandaan din ni Jodi ang pagpunta niya sa awarding ng International Emmy Awards sa U.S. on November 21.

“Siyempre hanggang sa ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Nai-excite ako kasi alam ko na marami akong artistang makikita doon and, of course, to be nominated alongside Judi Dench ay isang napakalaking bagay at karangalan.”

(ADOR SALUTA)