WASHINGTON (AFP) – Mas mataas ang pinag-aralan ng mga recruit ng grupong Islamic State kaysa mga karaniwang mamamayan ng kanilang bansa, salungat sa paniniwala ng marami, ayon sa World Bank (WB).

Bukod dito, ang mga nagboboluntaryong maging suicide bombers ay mas matatalino, ayon sa isang bagong inilabas na pag-aaral na pinamagatang ‘’Economic and Social Inclusion to Prevent Violent Extremism’’.

Nilinaw ng pag-aaral na hindi kahirapan ang ugat ng pagsuporta sa grupong nakabase sa Syria. ‘’We find that Daesh did not recruit its foreign workforce among the poor and less educated, but rather the opposite. Instead, the lack of economic inclusion seems to explain the extent of radicalization into violent extremism,’’ saad sa ulat.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina