ROME (PNA/Xinhua) – Umakyat sa 2.0 porsiyento ang Food Price Index noong Setyembre mula Agosto. Isa sa mga pangunahahing dahilan nito ay ang pagtaas ng presyo ng dairy products, ayon sa datos na inilabas ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) noong Huwebes.
Bumaba ang mga presyo ng grains at cereals, ang pinakamalaking component sa index, ng 1.9% dahil sa magandang ani sa Asia. Ngunit hindi ito sapat para mapunan ang pagtaas ng presyo sa ibang sektor.
Pinakamalaki ang itinaas ng dairy products, na umakyat sa 13.8% ang presyo dahil sa mababang produksyon ng gatas sa Europe. Nagmahal din ang presyo ng asukal ng 6.7% dahil sa masamang panahon sa Brazil, ang nangungunang producer ng asukal sa mundo. Tumaas ang presyo ng fats at oils, ng 2.9%. Hindi naman gumalaw ang presyo ng karne.