Mahigit dalawang dekada ring binuhay ng isang electrician ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kuryente, ngunit sa kasamaang-palad, kuryente rin ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay makaraang makuryente sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng hapon.

Dead on arrival sa Martinez Hospital si Enrique Pedrata, 46, ng No. 459 Bayani Street, Barangay 37, ng nasabing lungsod sanhi ng natamong sunog sa katawan.

Ayon sa ulat, dakong 1:35 ng hapon, abalang-abala sa pagkukumpuni ng centralized air condition sa isang botika si Pedrata.

Maya-maya pa’y nagulat na lang umano ang mga naroroon nang mag-spark ang wire na konektado sa linya ng aircon sa buong drug store at nangingisay na tumumba sa sahig si Pedrata.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Isunugod sa nabanggit na ospital ang biktima ngunit patay na ito nang makarating. (Orly L. Barcala)