Sinabi ng Malacañang kahapon na ‘exemplary’ ang naging performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang tatlong buwan nito sa puwesto ngunit marami pa ang kailangang gawin.

Ikinalugod ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang nakuhang “very good” satisfaction rating ng Pangulo, batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

“While the Duterte administration’s performance in the past three months is exemplary, this is not the time for complacency,” sinabi ni Andanar nitong Huwebes sa bisperas ng ika-100 araw sa puwesto ng Pangulo.

Kaugnay nito, kailangan aniyang maipagpatuloy ng gobyerno ang kampanya laban sa ilegal na droga at maiangat ang kalagayan ng mga maralitang Pilipino.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“There is much work to be done not only in eliminating the scourge of illegal drugs and crime, but also in fighting poverty and improving the lives of the underprivileged and the powerless,” aniya.

Umapela rin si Andanar na suportahan ng mga Pilipino ang reform agenda ng Pangulo. “So we can achieve lasting peace and prosperity in the years ahead,” dagdag pa nito. (Genalyn D. Kabiling)