Dahil sa maling datos sa barangay electrification program kaya ipinagpaliban ng Commission on Appointment (CA) ang pagkumpirma kay Energy Secretary Alfonso Cusi.
Tinanong ni Senator Panfilo Lacson ang kalihim kung ilang porsiyento na ng mga barangay sa bansa ang napapailawan ng Department of Energy. Sumagot si Cusi na 100% na ang pagkakumpleto nito, gayunman ibinunyag ng ilang miyembro ng CA na sa kanilang mga nasasakupan ay may mga lugar o sitio na wala pang elektrisidad.
Dahil dito, iminungkahi ni Lacson na ayusin muna ang datos na hawak ng DOE at ipaliwanag ito nang maayos sa muling pagsalang ni Cusi sa komisyon sa susunod na linggo. (Leonel M. Abasola)